024 - Lumulubog ang Araw

Lumulubog ang araw;
Katahimika'y taglay;
Sumamba at magnilay
Sa gabing dumarantay sa b'ong langit.

REFRAIN

Banal, banal, banal, Diyos ng hukbo!
Lupa't langit saklaw Mo
At nagpupuri sa'yo
Diyos na banal!

Panginoon ng buhay
Nitong sandaigdigan,
Tipunin kaming tanan
At ibilang sa kawan Ikaw'y mahal.

REFRAIN

Banal, banal, banal, Diyos ng hukbo!
Lupa't langit saklaw Mo
At nagpupuri sa'yo
Diyos na banal!

Samantalang ang dilim
Ay lubhang sumisinsin;
Ang pusong masintahin
Sa lahat gumugiliw; Oh lingapin!

REFRAIN

Banal, banal, banal, Diyos ng hukbo!
Lupa't langit saklaw Mo
At nagpupuri sa'yo
Diyos na banal!

Pag bituin at araw,
Pati gabi ay nanaw,
Umagang walang hanggan
Pangino'n, ipatanaw sa 'ming tanan.

REFRAIN

Banal, banal, banal, Diyos ng hukbo!
Lupa't langit saklaw Mo
At nagpupuri sa'yo
Diyos na banal!

0:00 0:00